DIWA Party-list Center binuksan na sa Bacarra

Buong pagmamalaki na pinasinayaan ng Democratic Independent Workers’ Association o DIWA Party-list ang pormal na pagbubukas sa publiko ng DIWA MULTI-PURPOSE CENTER para sa mga mamamayan ng buong probinsya ng Ilocos Norte. Matatagpuan ito sa sentro ng Bacarra, Ilocos Norte. Pinangungunahan ang inagurasyon ng nasabing gusali ni DIWA Party-list Representative Emmeline Y. Aglipay–Villar. Ang proyekto na ito ay matagumpay na naisagawa sa pakikipagtulungan ng DIWA Party-list at ng local government unit ng Bacarra sa pangunguna ni Mayor Nicomedes dela Cruz.

Naghanda ng maikli programa ang lokal gobyerno ng Bacarra kasama ang Sangguniang Bayan members at mga barangay captains upang pormal na buksan ang naturang gusali na magsisilbing tulay ng mga serbisyo at tulong handog ng DIWA sa mga mamamayan ng Ilocos Norte. Nararapat din banggitin ang coordinator ng DIWA sa probinsiya ng Ilocos Norte na si Sarrat Sangguniang Bayan member Vivian Marie Wa-ay na siyang personal na tumutulong sa mga kasamahan natin.

Ang dalawang palapag na gusali ay may laki na humigit-kumulang na 220 sqm. Mayroon itong 4 na multi-purpose rooms, 4 toilet and bath, kitchenette, at reception counters na maaaring gamitin bilang training center, hostel, at meeting halls. Ito rin ay may probisyon ng 50KVA generator, 2000L water tank na may electric water pump, fire safety sensors, at ito rin ay fully air-conditioned. Tunay na magaling ang implementasyon ng proyekto.

Ang gusali na ito ay magsisilbi din bilang isang satellite office ng DIWA na magiging tanggapan nito para sa mga nais dumulog sa DIWA para sa mga tulong tulad ng medical assistance, dental services, scholarship assistance, burial assistance, proyektong pangkabuhayan, atbp. Noong nakalipas na taon, madalas na bumibisita at naging aktibo ang DIWA Representative Emmeline Y. Aglipay-Villar para personal na ilunsad ang mga proyekto nito sa probinsya.