Bise alkalde sa Ilocos Norte , inambush; driver, patay

17793445_10156048604992846_1157312624_n

                                                     Vice Mayor Jessie Ermitanio

MARCOS, ILOCOS NORTE (April 4)—-Sugatan sa pananambang ang bise alkalde kung saan namatay ang kanyang driver  habang nakasakay sa suv alas siyete kagabi sa ilog na bahagi ng Brgy Daquioag, Marcos, Ilocos Norte.

Nakilala ang namatay na driver na si Lucky Jesrel Rumbaoa, 21-anyos  residente ng Brgy Escoda at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Sugat  naman  sa leeg, balikat at binti ang tinamo ni Vice Mayor Jessie Ermitanio.

Nagtamo rin ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang kanyang bodyguard na si Ricky Florendo, 32-anyos at Edralene Arellano, 26-anyos , empleyado ng munisipyo.

Ang dalawa ay itinakbo sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City.

46 na basyo ng cal5.56 ang narekober ng soco sa sa  pinangyarihan ng krimen.

Galing sa mga barangay ang  grupo ng bise alkalde  at habang tumatawid sa ilog bigla silang pinagbabaril ng dalawang suspek.

Nakatalon si Ermitanio at nakaganti ng putok  hanggang sa mapaatras ang mga suspek.

Tadtad naman ng tama ng bala sa driver side kayat grabeng napuruhan  ang kanyang driver.

Ayon sa bise alkalde, dati raw may banta sa buhay nitong nakaraang taon.

Humingi ng police escort sa pulisya pero walang natanggap na aksyon.

Hinala nitong pulitika ang motibo sa pamamaril.

Patuloy naman  ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga suspek-  (contributed by Dennis Gabriel Alipio)