Lalaking sunog ang katawan natagpuan sa Solsona

By Dennis Gabriel Alipio

SOLSONA, Ilocos Norte (Aug. 2) — Isang nanghihinang lalaki na halos malapnos ang buong katawan ang natagpuan kanina sa paakyat na bahagi ng Solsona-Apayao road.

Ayon sa pulisya, isang residente umano ang nakakita sa biktima malapit sa tulay na walang suot pang-itaas.

Agad naman silang rumesponde kasama ang ambulansiya ng Health Center at dinala sa pinakamalapit na ospital hindi umano makapagsalita kaya hindi pa alam ang pagkakakilanlan.

Malala umano ang kanyang kondisyon kayat inilipat sa mas malaking ospital.

Ayon sa mga residente, hindi kilala ang biktima kayat maaring galing ito sa ibang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang katauhan at kung paano nasunog ang katawan. (Dennis Gabriel Alipio)