Lalaking nakagapos ang mga kamay, natagpuang patay sa Pasuquin, Ilocos Norte

By Dennis Gabriel Alipio

PASUQUIN, Ilocos Norte (Aug. 3) — Duguan sa ulo ang lalaking ito nang matagpuang nakahandusay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Davila, Pasuquin, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktima na si Harry Acosta, 59-anyos, na nagtamo ng malaking sugat sa ulo.

Ayon sa pulisya, isang residente ang nakakita sa biktima at agad na ipinaalam sa otoridad. Pagdating ng mga SOCO, tumambad sa kanila ang naka-packing tape na kamay at duguang ulo ng biktima.

Hinala ng pulisya, pinoknok sa ulo hanggang sa mamatay.

Maaring kakilala ang salarin dahil walang nakitang force of entry sa kanyang bahay.

Personal din ang nakikitang motibo sa krimen dahil wala namang nawawalang pera at mahahalagang gamit ayon sa pulisya, may nakuha nang pahayag ang mga kaanak na makakatulong sa imbestigasyon.

Napag-alaman na mag-isang nakatira ang biktima sa kanyang bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. (Dennis Gabriel Alipio)